7 Pinoy, nadagdag sa bilang ng mga bagong na-infect ng COVID-19 sa abroad

25

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na 7 Overseas Filipino Workers ang bagong tinamaan ng COVID-19 sa abroad.

Wala namang bagong gumaling at wala ring bagong binawian ng buhay.


Sa ngayon, umaabot na sa 19,885 ang kabuuang bilang ng mga Pinoy sa ibayong dagat na na-infect ng virus.

Ang aktibong kaso naman ay 6,636 habang ang total recoveries ay 12,056.

Nananatili naman ang total deaths sa 1,194.

Facebook Comments