Pagbabantay sa special elections ng mga pulis at sundalo sa Tubaran Lanao del Sur, naging epektibo

Ipinaabot ni Philippine National Police (PNP) Director for Operations at Deputy Commander ng Security Task Force NLE2022 PMaj. Gen. Valeriano de Leon ang pasasalamat ni PNP Officer in Charge PLt. Gen. Vicente Danao Jr., sa mga pulis at sundalo na nagsilbi sa Special elections sa Tubaran, Lanao del Sur.

 

Ayon kay De Leon na naging epektibo ang pagbabantay ng mga tropa ng gobyerno upang matiyak na hindi maulit ang “failure of elections” na nangyari noong May 9 sa lugar dahil sa banta sa seguridad.

 

Si De Leon ay nasa Tubaran kahapon para personal na pangasiwaan ang security operations.


 

Ayon sa opisyal, nagkaroon lang ng konting kalituhan at hindi pagkakaintindihan sa panig ng mga botante pero maaga at maayos naman itong naresolba lahat, at sa kabuuan ay naging maayos ang halalan.

 

Matatandaang mahigit 600 tauhan ng PNP at 400 sundalo ang nagpatupad ng seguridad sa halalan, habang 52 pulis ang nagsilbi bilang Special board of election Inspectors sa pagboto ng mga mamamayan sa 12 barangay sa nasabing bayan.

Facebook Comments