PAGBABASA NG LIBRO SA KABILA NG PAG USBONG NG TEKNOLOHIYA, ISINUSULONG SA MANAOAG

Isinusulong ngayon ng Tourism Center Manaoag ang patuloy pa rin na pagbabasa ng pisikal ng libro sa kabila ng mabilis na modernisasyon sa paraan ng pagbabasa.
Ayon kasi sa kanila, mas mainam pa rin umano na malaman ng isang indibidwal ang isang impormasyon sa pagbabasa ng mga pisikal na libro dahil ito naman daw ay pangunahing pinagmumulan ng mga kaalaman.
Isinusulong ito matapos magsagawa ang Tourism Center ng Quarterly Meeting ng Association of Pangasinan Public Librarians Inc. kung saan naglalayon itong masamahan sila sa pagsulong ng pagbabasa ng libro sa kabila ng pag usbong ng teknolohiya.

Mas mabilis man umanong makakalap ng impormasyon gamit ang internet ay mahalaga pa rin umano na isaalang-alang ang kredibilidad ng binabasa sa mga online platforms na ito.
Ayon naman sa pag-aaral, mas nagre-retain sa utak ng isang tao ang isang impormasyon kung ito mismo ay nabasa sa pisikal na libro.
Suportado naman ng alkalde ng bayan ang pagsulong na ito ng grupo.
Samantala, mayroon ding product presentation at exhibit ng mga publishers ng mga libro mula sa Metro Manila ang nakisama sa pagsulong na ito. |ifmnews
Facebook Comments