COUGH CARAVAN FREE CHEST X-RAY SA DALAWAMPUT ISANG BARANGAY SA URBIZTONDO, NAISAGAWA

Mahalaga lamang na maging maingat tayo sa ating mga pangangatawan lalo na kung paguusapan ang mga high risk gaya na lamang ng Tuberculosis kaya naman nagsagawa ang Municipal Health Unit ng Urbiztondo at Region 1 Medical Center ng isang Cough Caravan Free Chest X-ray para sa mga taga-Urbiztondo.
Nasa higit isang daan o 184 mula sa dalawamput isang barangay sa naturang bayan ang nakinabang sa Cough Caravan Free Chest X-ray.
Ayon sa alkalde ng bayan, ang pagsasagawa ng programang ito ay pagbibigay ng paalala sa kahalagahanng kalusugan at pangangalaga sa katawan.

Pinasalamatan naman nito ang pamunuan ng Region 1 Medical Center at MHO para sa pagbibigay inisyatibo sa mga ganitong klase ng program ana malaki ang naitutulong sa mga kababayan nila pagdating sa pangangailangang medikal. |ifmnews
Facebook Comments