Manila, Philippines – Hiniling ng kampo ni VP Leni Robredo sa Supreme Court na tumatayo bilang Presidential Electoral Tribunal na ibasura ang mosyon ni dating Senator BongBong Marcos na humihiling na ipawalang bisa ang kanyang counter protest na may kinalaman sa nakalipas na May 2016 National Elections.
Ayon kay Robredo, dapat ituring na walang kwenta ang mosyon ni Marcos kaya’t nararapat lamang itong mabasura o ma-dismiss na.
Nagtungo si Marcos sa PET dahil sa kabiguan aniya ng Pangalawang Pangulo na bayaran ang unang installment para sa kanyang kontra protesta.
Iginiit ni Marcos ang Rule 34 ng 2010 rules of the PET na nagbibigay kapangyarihan sa PET na ibasura ang protesta o counter protest depende sa sirkumstansya.
Una nang naghain si Robredo ng mosyon para ipagpaliban ang kanyang pagbabayad ng protest fee subalit ito ay inalmahan ng tribunal at sa halip inatasan ang kampo nito na magbayad ng P8M bilang paunang bayad.
Pero giit ni Robredo, dahil binayaran na nyia ang naturang halaga noong May 2, ay dapat nang madeklara na moot & academic ang mosyon ni Marcos.
DZXL558