Pagbabawal ng e-bike sa national road, hindi anti-poor kundi para sa kaligtasan ng publiko —Malacañang

Dinepensahan ng Malacañang ang pagbabawal sa e-bike at e-trike sa national roads.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, ito ay para sa kaligtasan ng publiko at hindi para pahirapan ang taumbayan.

Motorized vehicles aniya ang e-bike at e-trike kaya dapat itong sumunod sa umiiral na batas sa kalsada.

Giit ni Castro, ang disiplina sa daan ay hindi pag-atake sa isyu ng kahirapan kundi bahagi ng pagpapatupad ng batas para maiwasan ang aksidente at maprotektahan ang lahat.

Matatandaang sinuspinde muna ng Department of Transportation (DOTr) ang implementasyon ng ban, mula sa orihinal na petsa nito sa Disyembre 1, patungong Enero 2 sa susunod na taon.

Facebook Comments