Pagbabawal ng salamin sa mga babaeng empleyado sa Japan, binatikos

GETTY IMAGES

Mainit na usapin sa Japan ang pagsusuot ng salamin sa trabaho kasunod ng mga balitang ipinagbabawal ito ng ilang kompanya sa mga babaeng empleyado.

Ayon sa ulat, “banned” ang salamin sa ilang negosyo tulad ng pagtitinda dahil umano sa “walang buhay” o “mataray” na impreyon na ibinibigay nito sa nagsusuot.

Pangkaligtasan naman ang dahilan ng pagbabawal nito sa mga nagtatrabaho sa airline, ayon sa ulat ng


Habang sa beauty sector, kinakatwiran naman na hindi raw makikita nang maayos ang make-up kapag nakasalamin.

Hindi naman malinaw kung ang “ban” ay base sa polisiya ng kompanya o dinepende lamang sa kung anong tanggap na ensayo sa trabaho.

Kaugnay nito, sumikat ang hashtag na “glasses are forbidden” sa social media, dala-dala ang hinaing ng mga Japanese hinggil sa kontrobersya.

Bukod sa hashtag, nag-post din ang ilang kababaihan ng litratong nakasuot sila ng salamin bilang pagtutol.

Hindi ito ang unang pagkakaton na naging isyu sa nasabing bansa ang pagdidikta ng dress code.

Ngayong taon lang din, umusbong ang #KuToo na kampanya kontra sapilitang pagpapasuot ng high heels.

“Kutsu” sa Japanese ay sapatos, habang ang “kutsuu” naman ay kirot o sakit.

Facebook Comments