Pagbabawal ng waste importation, pinag-aaralan na sa Kamara

Bumuo ngayon ng Technical Working Group (TWG) ang House Committee on Ecology para pag-isahin ang mga panukalang inihain para sa pagbabawal ng waste importation.

Pinamumunuan ni Isabela Rep. Faustino “Inno” Dy ang TWG kung saan pag-aaralan ng mga miyembro kung dapat bang i-regulate o tuluyan nang i-ban o ipagbawal ang waste importation.

Ayon naman kay Ecology Chairman at Zamboanga del Norte Rep. Glona Labadlabad, layunin ng panukala na tugunan ang mga butas sa umiiral na standards at regulations pagdating sa waste importation.


Ipinakukunsidera naman ng Department of Foreign Affairs-Environmental Security Division sa panukala ang sustainability sa pangangalaga sa public health at safety gayundin sa kapaligiran.

Ipinunto naman ng iba’t ibang stakeholders na may ilang mga kumpanya ang nakadepende sa recyclable waste mula sa ibang bansa tulad ng papel, plastics at electronic materials.

Ang mga recyclable waste na ito mula sa ibang bansa ay nakapagbibigay rin ng trabaho sa mga Pilipino lalo na ang mga kabilang sa electronic industry.

Facebook Comments