Philippine Canoe Team, determinadong masungkit ang nag-iisang olympic slot para sa Asian Qualifying Tournament

50

Puspusan ang ginagawang pag-eensayo ng dalawang atleta ng Philippine Canoe Team para sa darating na Asian Qualifying na gaganapin sa Pattaya, Thailand sa Marso 11 hanggang 13, 2021.

Ayon kay Philippine Canoe-Kayak-Dragonboat Federation (PCKDF) Head Coach Leonora Escollante, plano kasi nilang sungkitin ang nag-iisang olympic slot.


Sasabak sa 100-meters canoe doubles sina 2019 Southeast Asian Games Gold at Double Silver Medalist Hermie Macaranas at ang ka-partner nitong si Ojay Fuentes.

Aminado rin si Escollante na dadaan sa butas ng karayom ang mga kinatawan ng kanilang grupo dahil makakatapat nila ang malalakas na bansa tulad ng China, Iran at Kazakhstan

Facebook Comments