Bawal na ang child marriage maging ang pagpapakasal sa mga menor de edad sa bansa.
Ito ay makaraang mag-lapsed into law ang “End Child Marriage Bill” na ngayon ay RA 11596 o An Act Prohibiting the Practice of Child Marriage.
Nabatid na hindi inaktuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas, 1 buwan makaraan itong isumite sa kanyang tanggapan kung kaya’t nag-lapsed into law na lamang.
Sang-ayon sa batas, pagmumultahin ng P40,000 at makukulong ng hanggang 12 taon ang sinumang magkakasal o mag fa-facilitate ng child marriage.
Habang ang magpapakasal naman sa mga menor de edad ay pagmumultahin ng P50,000 at maaari ding makulong.
Layon ng batas na protektahan ang mga kabataan lalo na sa sexual abuse at iba pang epekto ng early marriage.
Facebook Comments