Pagbabawal sa child marriage, ganap ng batas

Bawal na ang child marriage maging ang pagpapakasal sa mga menor de edad sa bansa.

Ito ay makaraang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang “End Child Marriage Bill” na ngayon ay RA 11596 o An Act prohibiting the Practice of Child Marriage.

Sang-ayon sa batas, pagmumultahin ng P40,000 at makukulong ng hanggang 12 taon ang sinumang magkakasal o mag fa-facilitate ng child marriage.


Habang ang magpapakasal naman sa mga menor de edad ay pagmumultahin ng P50,000 at maaari ding makulong.

Layon ng batas na protektahan ang mga kabataan lalo na sa sexual abuse at iba pang epekto ng early marriage.

Pirmado ng pangulo ang batas nitong Disyembre 10, 2021.

Facebook Comments