Pagbabawal sa mga Chinese na makapasok sa bansa, iginiit ng isang Senador

Iginiit ni Senator Kiko Pangilinan na sa halip na pagbawalan ang mga miembro ng gabinete na magbiyahe sa Estados Unidos ay mas makabubuting pagbawalan ang mga Chinese national na pumasok sa bansa.

Ayon kay Pangilinan, mainam itong hakbang para mapigilang makapasok sa bansa ang coronavirus na kumakalat ngayon sa Wuhan, Hubei China.

Pahayag ito ni Pangilinan makaraang sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na sa ngayon ay wala pa siyang intensyon na ipagbawal ang mga flights papunta at mula sa mga lugar sa China na apektado ng novel coronavirus.


Diin ni Pangilinan, ang dapat unahin ng ating pamahalaan ay kaligtasan ng publiko hindi ang interes ng iilan dahil sa isyu ng pagkansela ng kanilang visa.

Dismayado din sa pangilinan na ang tanging sinuspende lang ng gobyerno ay ang Visa Upon Arrival (VUA) para sa mga Chinese national pero tuluy-tuloy pa rin ang pasok ng mga ito sa bansa tulad ng mga negosyante at mga turistang sakay ng cruise ship na dumaong sa Subic.

Samantala, sinimulan na ngayon ang pagdinig ng senate committee on urban planning, housing and resettlement at committee on local government ukol sa rehabilitasyon at programa para sa mga naapektuhan ng pagputok ng bulkang taal.

Facebook Comments