Pagbabawal sa mga e-bike at e-trike sa mga kalsada sa Metro Manila simula sa April 15, tuloy na

Tuloy na tuloy na sa Lunes, April 15, ang pagbabawal sa mga e-bike at e-trike sa mga lansangan sa Metro Manila.

Ayon sa MMDA, pagmumultahin ng 2,500 pesos ang mga electric bikes at tricycles na mahuhuli sa NCR.

Kapag ang driver ay walang lisensya, kukumpiskahin ang sasakyan nito at i-i-impound.


Ang desisyon ng Metro Manila Council na i-ban ang e-bikes at e-trikes sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila ay sa harap ng pagtaas ng bilang ng aksidente na kinasasangkutan nito.

Bukod dito, nakakadagdag din ito sa pagsisikip ng daloy ng trapiko.

Facebook Comments