
Isinusulong ni Agusan del Norte Representative Dale Corvera ang House Bill No. 5222 o panukalang batas na nagbabawal sa mga opisyal ng gobyerno at kanilang mga kamag-anak at negosyo na pumasok sa kontrata sa pamahalaan.
Layunin ng panukala ni Corvera na maibalik ang tiwala ng mamamayan at matiyak na ang mga transaksyon sa gobyerno ay hindi maiipluwensyahan at magagamit sa pansariling intres ng mga nasa posisyon.
Kapag naging batas ang panukala ni Corvera ay papatawan ng isa hanggang sampung taon na pagkakulong ang mga lalabag dito kaakibat ang multa na katumbas ng 50% ng halaga ng transaksyon o kontrata na nakuha nila at pagbabawalan din silang maluklok sa anumang pwesto sa pamahalaan.
Malinaw ang mensaheng hatid ng panukalang batas ni Corvera na ang pagsisirbisyo sa publiko ay calling o adhikain at hindi oportunidad sa pagnenegosyo.









