Pagbabawal sa mga tindahan na magbenta ng sigarilyo malapit sa mga paaralan, ipapatupad sa Mandaluyong

Mahigpit na ipapatupad ng Mandaluyong Local Government ang pagbabawal na magtinda at manigarilyo sa loob, labas at maging sa paligid ng pamahalaan.

 

Salig sa City Ordinance #730 ang kautusan na layong ilayo sa bisyo ng paninigarilyo ang mga kabataan gayundin ang gawing Smoke-City Free ang lungsod.

 

Ipagbabawal ang paninigarilyo at pagtitinda ng sigarilyo 100 metro ang layo o katumbas ng tatlong basketball court ang layo.


 

Ang mga tindahan o indibidwal na magtitinda ng sigarilyo malapit sa mga paaralan ay pagmumultahin ng P2, 000 sa unang paglabag,  P3, 000 sa ikalawang paglabag at P4, 000 sa ikatlong paglabag.

 

Mahaharap din sa tatlo hanggang anim na buwan na pagkakakulong o pagpapawalang bisa sa permit ng mga lalabag na negosyo at establisyimento.

Facebook Comments