Paalala ng lokal na pamahalaan ng Mangatarem ba ipinagbabawal ang pagbebenta at pagbili ng subdivided agricultural lands na kalaunan ay pinapatayuan ng bahay sa bayan.
Ayon sa tanggapan, nangangailangan ng kaukulang Conversion Order mula sa Department of Agrarian Reform at iba pang permit tulad ng Development Permit at License to Sell.
Ang paalala ay kasunod ng anunsyo ng tanggapan na wala pa itong inilalabas na Development Permit sa alinmang subdivision project dahil hindi ito pinahihintulutan ng Department of Human Settlement and Urban Development.
Maaaring maharap sa paglabag sa ilang batas na may kalakip na pagkakakulong ng hanggang sampung taon at multa na aabot sa P20,000, na maaaring humantong sa pagkansela ng transaksyon at pagkumpiska sa ibinebentang lupa o istruktura.
Mainam na makipag-ugnayan sa mga kaugnay na sangay ng lokal at pambansang pamahalaan para sa lehitimong transaksyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








