Ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag dumalo ang mga cabinet members sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ay hindi pagsalungat sa kapangyarihan ng Senado.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, yun ay isang protesta ng Malakanyang sa takbo ng pagdinig ng Senado ukol sa pagbili ng gobyerno ng hinihinalang overpriced na medical supplies sa Pharmally Pharmaceutical Corp.
Sa budget hearing ng Senado ay ipinaliwanag ni Guevarra na pangunahing ikinonsidera ng Malakanyang ang haba ng oras na itinatagal sa senate hearing ng mga miyembro ng gabinete at iba pang opisyal ng gobyerno na abala sa pagtugon sa public health emergency.
Sabi ni Guevarra, pwede namang magkaroon ng adjustments ang Malakanyang at Senado para hindi sila mauwi sa banggaan at patuloy nilang magampanan ang kani-kanilang mandato.