Pagbabawal sa paghahatid-sundo sa mga APOR sa gitna ng ECQ, pinalagan ng mga senador

Hinimok ng ilang senador ang Philippine National Police (PNP) na ikonsidera ang ipapatupad nitong polisiya na nagbabawal sa paghahatid-sundo ng mga pribadong sasakyan sa mga Authorized Person Outside Residence (APOR).

Kasabay ito ng muling pagsailalim na ng Metro Manila sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) na magsisimula na bukas, August 6.

Sa inilabas na pahayag ni Senator Panfilo Lacson, sinabi nito na dapat na magkaroon ‘second look’ ang PNP sa ipinatupad nitong polisiya na maituturing na ‘impraktikal at hindi lohikal’.


Pinayuhan naman nito ang pambansang pulisya na magkaroon ng win-win solution para sa mga essential workers.

Maliban kay Lacson, nagpahayag din ng pagkainis si Senator Koko Pimentel at pinayuhan ang Inter-Agency Task Force (IATF) na muling pag-aralan ang polisiya.

Giit kasi ng Senador, mayroong mga healthcare workers na sunod-sunod ang araw ng duty kaya kailangan nila ang pagkakaroon ng hatid-sundo.

Sa ngayon, nagpahayag na rin ng pagkabahala ang Commission on Human Rights sa polisiya.

Facebook Comments