Pagbabawal sa pagsusuot ng high heels sa trabaho, sinimulan nang ipatupad

Manila, Philippines – Sinimulan nang ipatupad ang pagbabawal sa mga female employees na magsuot ng high heels sa kanilang trabaho lalo na para sa mga sales lady.

Ang pagba-ban sa mandatory na pagsusuot ng high heels ay sa pamamagitan ng department order 178 ng Department of Labor and Employment.

Ito ay dahil sa panganib sa kanilang kalusugan.


Kaugnay nito, dapat bigyan ang mga empleyado tulad ng sales ladies, waitresses, receptionists, lady guards at flight attendants ng 15-minute sitting break bawat dalawang oras.

Ang sinumang employers na lalabag sa kautusan ay magmumulta, maaring masuspendi o ipasara ang kanilang negosyo.

Facebook Comments