Pagbabawal sa pagsusuot ng high heels, sisimulan na ngayong araw

Manila, Philippines – Ipapatupad na ng Dept. of Labor and Employment (DOLE) ngayong araw ang pagbabawal sa mga kababaihan na obligahing magsuot ng high heels o mataas na takong sa kanilang mga pinapasukang trabaho.

Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello, nakasaad sa department order no. 178, sinasakop nito ang lahat ng manggagawa na inoobliga ng mga employers o ng kanilang mga establisimiyento na mag-suot ng high-heeled shoes at tumayo ng mahabang oras.

Inaatasan din aniya ang lahat ng business establishments na iimplementa ang paggamit ng praktikal at komportableng sapatos gayundin ang pagbibigay ng sapat na oras ng pagpapahinga.


Sakop ng nasabing batas ang mga sales ladies, waitresses, hotel and restaurant receptionists, lady guards at flight attendants.

Babala ng kalihim, mahaharap ang sinumang employer sa multa at suspensyon hanggang sa maipasara kapag sila’y lalabag sa nasabing batas.

Facebook Comments