Pagbabawas ng taripa sa bigas, hindi dapat ikabahala ayon sa DOF

Wala nang dapat ikabahala sa pagbabawas ng tariff rate sa bigas.

Ito ang tiniyak ni Finance Secretary Benjamin Diokno sa kanyang weekly press briefing.

Ayon kay Diokno, maliit lamang ang magiging potensyal na epekto ng pagbawas ng tariff rate sa mga inaangkat na bigas at nakakolekta na ang pamahalaan ng ₱17-B.


Aniya, sapat na ang koleksyon na nakamit mula sa kasalukuyang taripa upang tugunan ang pangangailangan ng pamahalaan na siyang ilalaan sa farm machinery and equipment, credit assistance, seed development at iba pang hakbang para itaas ang competitiveness ng mga lokal na magsasaka.

Matatandaang ipinanukala ng kalihim sa Pangulo ang tariff cut mula 35 percent hanggang 0-10 percent sa mga inaangkat na bigas mula ASEAN o Most-favored nation (MFN) upang maibsan ang pagtaas ng presyo ng bigas sa merkado.

Facebook Comments