Publiko, hindi dapat maalarma sa molotov explosion sa NAIA- AVSEGROUP

Hindi dapat maalarma ang publiko sa nangyaring pagsabog ng molotov bomb sa NAIA 3 open parking nitong Sabado.

Ayon kay PNP Aviation Security Group Director PBGen. Jack Limpayos, hindi kagagawan ng terorista ang nasabing insidente.

Aniya, sa halip ito ay kagagawan lamang ng mga indibidwal na nais magpadala ng mensahe.


Sa nasabing pagsabog, wala namang nasaktan pero tatlong sasakyan sa parking ang napinsala.

Nagpapatuloy naman ang pagpapatupad ng mahigpit na seguridad sa paligid ng paliparan.

Facebook Comments