Pagbabayad ng business, realty tax at registration ng mga sasakyan, pinalawig pa sa Navotas City

Pinalawig muli ng lokal na pamahalaan ng Navotas ang pagbabayad ng business at realty tax, at pagpaparehistro ng mga pribado at pampublikong sasakyan.

Ito ay para bigyan ng panahon ang mga residente na makapaghanda sa kanilang bayarin.

Sa inilabas na City Ordinance, ang pagbabayad ng first installment ng basic real property tax, special education fund tax at idle land tax sa real properties ay hanggang June 30, 2020.


Ang pagbabayad naman ng basic real property tax, special education fund tax at idle land tax sa real properties para sa second quarter gayundin ang second quarterly installment ng business tax ay hanggang July 31, 2020.

Itinakda naman sa September 30, 2020 ang pagbabayad ng third quarter installment ng business tax.

Samantala, hanggang July 31, 2020 naman ang pagpaparehistro sa mga motorized tricycle at pedicab na may plate number na nagtatapos sa 7, 8, 9 at 0, at ang pag-renew ng regulatory stickers para sa mga public utility jeep na may plate number na nagtatapos sa 3 at 4.

Hanggang August 31, 2020 naman ang pagre-renew ng regulatory stickers para sa mga public utility jeep na may plate number na nagtatapos sa 5, 6 at 7.

Facebook Comments