Pagbabayad ng buwis sa Lungsod ng Maynila, pinalawig dahil sa nararanasang krisis hinggil sa COVID-19

Extended na ang pagbabayad ng real property tax, transfer tax at business tax sa Lungsod ng Maynila para sa first at second quarter installment hanggang June 30, 2020.

Ito ang inanunsyo ni Manila City Mayor Isko Moreno matapos niyang pirmahan ang mga ordinansang nagpapalawig ng deadline ng pagbabayad ng tax.

Ayon kay Mayor Isko, magsisilbi itong tulong sa mga taxpayers’ ng lungsod habang nilalabanan ng bansa ang paglaganap ng Coronavirus Disease (COVID-19).


Umaasa naman ang alkalde na magiging patas ang mga nag-nenegosyo sa lungsod sa kabila ng krisis na kinakaharap ng bansa kung saan muli niyang paalala na huwag na huwag silang mang-aabuso dahil siguradong mananagot sila.

Samantala, Nagpapasalamat naman ang Pamahalaan ng lungsod ng Maynila sa lahat ng taong tumutulong upang makabangon ang bansa sa epektong dala ng COVID-19.

Pero, Ikinalulungkot ng lokal na pamahalaan ng maynila ang pagpanaw ng ilang medical practitioners na nag-alaga sa mga pasyenteng tinamaan ng sakit at sa bandang huli ay tinamaan din sila ng nakahahawang sakit.

Magsilbi daw sana itong isang  panawagan para sa lahat na patuloy na magingat, para sa ating mga sarili at sa ating mga kapwa lalo nat hindi pa natatapos ang laban kontra COVID-19.

Facebook Comments