Pagbabayad ng Electric Bill, Hindi Sapilitan- GM Dave Siquian!

Cauayan City, Isabela- Hindi inoobliga ng pamunuan ng Isabela Electric Cooperative (ISELCO) II ang mga member consumers na magbayad agad ng buwanang konsumo sa kuryente.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay General Manager Dave Siquian ng ISELCO II at Chairman ng Philippine Federation of Electric Cooperative (PHILFECO), nagbukas na kahapon ang kanilang tanggapan para sa mga nais na magbayad ng electric bill.

Nilinaw ni GM Siquian na hindi sapilitan ang pagbabayad ng kuryente hanggat hindi pa humuhupa ang sitwasyon sa COVID-19.


Kaugnay nito, pagdedesisyunan ng ISELCO II sa Biyernes kung ililibre na rin ang electric bill ng mga komokonsumo ng 20 kilowatt hour pababa ngayong may krisis.

Sa darating na April 20 ay magrireading na ang ISELCO II sa nasasakupan nito.

Tiniyak naman ni GM Siquian na mabibigyan ng sapat na protective equipment at service ang mga inspektor ng kuryente na titingin sa kanilang metro.

Paalala naman nito sa mga magbabayad na magsuot ng facemask dahil hindi papasukin sa kanilang tanggapan ang mga walang facemask.

Facebook Comments