Mga pasyenteng nagpositibo sa COVID 19 sa Cotabato City, gumaling na!

Nakarekober na mula sa Corona Virus Disease- 19 ang dalawang pasyente mula Cotabato City na naunang nagpositibo sa karamdaman.
Sa report mula sa Department of Health Region 12, sinasabing nakarekober na sina PH 2235, isang 56 years old na may travel history sa Pampanga at Davao City at nagpositibo noong April 1, at si PH 2236 , isang 46 year old na lalaki na may travel history sa Davao City at nagpositibo noong April 1.
Sinasabing kapwa nasa maayos ng sitwasyon ang mga ito ngunit patuloy na sasailalim sa proseso para maisigurong ligtas na sa karamdaman.
Suma total, lahat ng anim na nagpositibo sa COVID 19 sa Cotabato City ay gumaling na sa karamdaman.
Matatandaang ang Cotabato City ang may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID 19 sa buong SOCSARGEN sa nakalipas na mga araw.
Kaugnay nito patuloy ang pagsisikap ng City LGU na maisigurong maging ligtas ang lahat laban sa salot na karamdaman.

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments