Cauayan City, Isabela- Pinahaba pa ng Social Security System (SSS) ang panahon para bayaran ng mga miyembro ang kanilang kontribusyon.
Sa Memorandum Circular na inilabas ni SSS President at CEO Aurora Ignacio, hanggang November 30,2020 ay maaaring magbayad ng kontribusyon na walang penalty.
Sakop ng kautusang ito ang hindi nabayarang SSS contribution ng mga household employers, Self-employed, Voluntary, at Non-working spouse member mula buwan ng Enero hanggang Setyembre o first, second at third quarter ng taong 2020 dahil sa pandemya.
Kabilang din sa nabigyan ng extension hanggang November 30 ang mga regular employers para naman sa mga buwan mula Pebrero hanggang Oktubre 2020.
Maging ang mga employer SSS approved installment proposal, ay binigyan din ng extension hanggang katapusan ng buwan ng Nobyembre.
Samantala, binigyan din ng tatlong buwan o 180 days na extension para magamit ang mga naiisyung tseke dipende sa araw na natanggap ang SSS checks.