Pagbagal ng ekonomiya ng bansa, ibinabala ng ekonomista kung hindi sususpendihin ang excise tax sa langis

Mas malaki ang mawawala kung magpapatuloy ang excise tax sa langis kumpara kapag sinuspinde muna ito ng gobyerno.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ng ekonomista na si Professor Emmanuel Leyco na kasabay ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa bansa ay lumolobo rin ang inflation.

Ibig sabihin nito, babagal ang pagbangon ng ating ekonomiya dahil sa pagtaas ng mga pangunahing bilihin at mas maraming mga Pilipino ang posibleng maghirap.


Samantala, umapela naman sa pamahalaan ang transport group na PASANG MASDA na lakihan ang ibibigay na discount sa krudo sa mga drayber ng Public Utility Vehicles o PUV.

Ayon kay Ka Obet Martin, umaapela rin silang gawin nang 100 percent ang kapasidad ng mga pampasaherong jeep lalo na’t nasa Alert Level 3 na ang Metro Manila at mas marami nang tao ang lumalabas ng kanilang bahay

Kahapon, sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na handa silang gawing 100 percent ang capacity ng mga pampasaherong sasakyan pero hinihintay pa nila ang tugon ng Inter-Agency Task Force.

Facebook Comments