Pagbagsak ng C-130 plane sa Sulu, hindi lang iisa dahilan

Nilinaw ng AFP na maraming “factors” at hindi lang iisa ang dahilan ng sanhi ng pagbagsak kamakailan ng C-130 transport plane at maging ang Sikorsky S-70i blackhawk helicopter ng Philippine Air Force (PAF).

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Colonel Ramon Zagala, material, human at environmental factors ang nagresulta sa pagbagsak ng C-130 plane sa Sulu.

Paliwanag ni Zagala, ang mga factors na ito ay nagresulta sa “unrecoverable stall” ng eroplano.


Ganun din aniya ang nangyari sa pagbagsak ng Sikorsky S-70i helicopter sa Tarlac.

Batay sa imbestigasyon, napunta aniya ang chopper sa thunderstorm, na maaring nakaapekto sa mga instrumento na sinabayan ng “spacial disorientation” o “vertigo” ng piloto na nagresulta sa pagbagsak nito.

Giit ni Zagala, ang pakay ng imbestigasyon alinsunod sa “international practice” ay alamin ang naging sanhi ng aksidente at hindi ang maghanap ng masisisi.

Ito ay para maiwasan ang mga kahalintulad na aksidente sa hinaharap sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga pagbabago sa mga alituntunin at dagday na pagsasanay sa mga piloto.

Facebook Comments