Aminado ang Department of Education (DepEd) na ang pagsadsad ng ekonomiya ang isa sa mga dahilan kung bakit umabot sa apat na milyon ang hindi nakapag-enroll at itinuturing na out-of-school youth sa darating na pasukan.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, karamihan sa mga hindi nag-enroll ay galing sa mga pribadong paaralan, mga anak ng Overseas Filipino Workers (OFWs) at mga nasa Alternative Learning System (ALS).
Aniya, hinahanapan naman ng paraan ng kagawaran para matuto pa rin ang mga out-of-school youth kahit hindi sila naka-enroll.
Nabatid na sa 4.3 milyong private school students noong 2019, higit 1.5 milyon lang ang nakapag-enroll ngayong taon o 36.1%.
Umabot naman sa 300,000 ang mga lumipat mula private school papunta sa mga pampublikong paaralan.