Nabahala ang grupong Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) sa posibleng pagbagsak ng industriya ng magbabababoy at magmamanok sa oras na payagan ng gobyerno ang importasyon nito at bawasan ang lokal na industriya ng baboy at manok sa bansa.
Ayon kay KMP Chairperson Danilo Ramos, ang pagbabawas sa lokal na produksyon ng baboy at manok para papasukin ang mga imported na produkto ay lubhang makaaapekto sa sektor ng mga nag-aalaga ng baboy at manok.
Dapat din aniyang nakasalalay sa tunay na repormang agraryo ang programa ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) ng Department of Agrarian Reform (DAR) para umunlad ang kabuhayan ng mga magsasaka.
Facebook Comments