1Ipinasusuri na ng Department of Agriculture (DA) sa Bureau of Plant Industry (BPI) ang pagbaha sa merkado ng umano’y mga smuggled na carrots at repolyo.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, wala silang naipapalabas na permit para sa pagpapasok ng bansa ng mga produktong carrots, repolyo, luya.
Pinag-aaralan naman kung kumpiskahin ang mga produkto dahil sa malaking epektong idinidulot nito sa sektor ng agrikultura sa bansa.
Nabatid na sa impormasyon ng DA mula sa economic intelligence, sa Subic unang bumagsak ang mga produkto galing sa China.
Pinuna naman ni Rosendo So, Chairman ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) ang DA at sinabing paano nakapasok ang mga smuggled na gulay sa mga otoridad.
Habang giit pa ng grupo na hindi dapat mga retailer ang parusahan ng DA.
Sa ngayon, pinakukumpiska na ng DA ang mga smuggled na gulay ang hinahanap ang mga nag-angkat nito upang sampahan ng reklamo.