Posibleng maulit ang pagbaha sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Nabatid na nagmistulang ilog ang Terminal 4 dahil sa sobrang lakas na ulang dulot ng hanging habagat at bagyong ineng.
Ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal, maraming volume ng ulan ang bumuhos at hindi pantay ang lupa kaya nagsisilbing catchbasin kapag umuulan.
Isa rin sa nakikita ay ang pagtaas ng kalsada sa Domestic Road kaya ang lahat ng tubig ay nagpupuntahan sa runway sa Tarmac.
Gumagana naman aniya ang limang water pump ng NAIA at pinag-aaralan na rin ang mga susunod na hakbang lalo na at maraming ulan na ang dala ng mga pumapasok na bagyo sa bansa.
Facebook Comments