PAGBAHANG NARARANASAN SA LUNGSOD NG DAGUPAN, IDINADAING NG PUBLIKO

Idinadaing ngayon ng mga tao ang personal nilang nararamdaman sa nararanasang pagbaha sa lungsod ng Dagupan.
Ang mga estudyanteng dumadaan sa isa sa mga flood-prone areas ngayon, sa bahagi ng Junction maging sa kahabaan ng AB Fernandez ay nahihirapan umano sa pagtawid patungo sa kani-kanilang pinapasukang unibersidad dahil puro tubig baha na ang kanilang maaaring madaanan. Hindi naman daw umano makapagbota ang mga ito dahil maabala raw ang pagsusuot nito at ang iba’y hindi komportableng nakabota kung luluwas sa kanilang mga paaralan.
Para naman sa mga drivers ng mga pampasaherong sasakyan partikular ang mga tricycle ay prone din sa ganitong high tide season ang pangangalawang ng mga piyesa sanhi ng maasin na tubig baha. Hindi raw maaaring ibabad ang mga ito sa tubig baha dahil maski sila ay mahihirapan sa pagpapaandar nito.

Ang mga mamimili sa mga palengke ay wala ring magawa kundi ang lumusong sa baha matapos lamang ang kanilang mga kinakailangang gawin sa city proper.
Bagamat nararanasan ang ganitong uri ng problema sa siyudad ay matatandaang pinaalalahanan ng City Health Office Dagupan at mga health authorities ang mga Dagupeno at buong publiko sa sakit na leptospirosis na kadalasang nakukuha sa ganitong mga may pagbaha.
Mainam ang pagsuot ng bota lalo na sa mga taong may sugat sa paa upang hindi ito mapasukan ng impeksyon na maaari pang humantong sa malalang kondisyon. |ifmnews
Facebook Comments