Iba ang sintomas ng Delta variant sa orihinal na COVID-19.
Ito ang ibinabala ngayon ng World Health Organization (WHO) sa publiko dahil na rin sa manipesto ng Delta variant.
Ayon kay WHO Digital Health Expert at Takeda Medical Director Melvin Sanicas, lumalabas sa kanilang pag-aaral na may allergic symptoms tulad ng pagbahing at runny nose ang Delta variant.
Bukod dito, hindi na rin aniya nakakaranas ng kawalan ng pang-amoy at panlasa ang isang Delta variant patient na makikita naman sa original COVID-19 patient.
Dahil dito, iminungkahi ni OCTA Research Fellow Dr. Guigo David sa pamahalaan na lalo pang palakasin ang mass testing upang agad na ma-detect ang mga tinamaan ng Delta na asymptomatic.
Facebook Comments