Inaprubahan na ang pagbabakuna ng Pfizer COVID-19 vaccine sa mga edad 12 pataas sa Brazil.
Ayon sa isang health regulator, ang pag-apruba ng bakuna sa mga menor de edad ay pinagbasehan sa pag-aaral na isinagawa ng mga eksperto.
Samantala, nakakaranas naman ngayon ng kakulangan at delay ng suplay ng bakuna ang nasabing bansa.
Sa kasalukuyan, mayroon lamang 11% ng 212 milyong populasyon ng Brazil ang nabakunahan kontra COVID-19.
Facebook Comments