Pinoy Pole Vaulter Ej Obiena, pasok na sa Tokyo Oympics matapos manalo ng gold medal sa Germany

Pasok na si Filipino pole vaulter EJ Obiena sa Tokyo Olympics matapos manalo ng gold medal sa Jump and Fly Tournament sa Mossingen, Germany.

Nakapagtala si Obiena ng 5.85 meters kung saan nahigitan pa nito ang sariling record na 5.81 meters noong 2019 sa Chiara, Italy.

Noong Linggo, nasungkit din ni Obiena ang gold matapos manalo sa Gothenburg Athletics Grand Prix sa Sweden.


Kasama si Obiena ng 9 pang atleta mula sa ibang kategorya na sasabak sa Tokyo Olympics sa darating na July 23.

Facebook Comments