Posibleng abutin pa ng dalawang taon bago mabakunahan ang lahat ng mga mamamayan sa Pilipinas laban sa COVID-19.
Ito ang sinabi ni Dr. Rabindra Abeyasinghe, kinatawan ng World Health Organization (WHO) sa Pilipinas kasunod nang paghahanda ng gobyerno sa oras na maging available na sa bansa ang mga bakuna.
Ayon kay Abeyasinghe, kahit may bakuna na ay hindi pa rin maaaring magpakampante ang mga Pilipino dahil nananatili pa rin ang virus at tuloy-tuloy ang transmission.
Pinayuhan naman ng opisyal ang lahat na mahigpit na sumunod sa health protocols tulad ng physical distancing measures para maiwasan ang susunod na mutations ng bagong variant ng virus.
Facebook Comments