Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., kakausapin si Baguio City Mayor Magalong para manatiling Contact Tracing Czar

42

Pupuntang Baguio City sa weekend si National Task Force Against COVID-19 at Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr., para personal na kausapin si Mayor Benjamin Magalong na nagbitiw bilang Contact Tracing Czar.

Ayon kay Galvez, hindi nila kayang bitiwan si Magalong dahil sa malaking kontribusyon nito at tulong sa nagpapatuloy na laban ng bansa sa COVID-19 pandemic.


Aniya, sa simula pa lamang nang laban ng bansa sa pandemya ay marami ng nagawa si Magalong.

Giit pa ni Galvez, “irreplaceable” o hindi kayang palitan si Magalong dahil sa kaniyang kakayahan.

Sakaling palitan aniya si Magalong ay tiyak na mahihirapan ng husto kung sino man ang ipapalit dito.

Umaasa si Galvez na mareresolba ang usapin na ito, oras na magkausap sila ni Magalong.




Facebook Comments