Pagbakuna sa mga kabataan  laban sa tigdas, inoobliga na ng DSWD sa kanilang mga benepisyaryo

Obligado na ang mga benepisyaryo ng  Department of Social Welfare and Development na pabakunahan ang kanilang anak laban sa tigdas.

 

Kasabay ang panawagan na samantalahin ang on-going vaccination program ng pamahalaan laban sa  measles outbreak.

 

Tugon ito ng DSWD sa apela ng  Department of Health na tulungan sila sa ginagawang  disease prevention campaign dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang  ng kaso ng nagkakasakit ng tigdas  sa buong bansa.


 

Nangako naman ang DSWD na tumulong sa kampanya at hinimok nito ang lahat ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) parent-beneficiaries na tiyaking pabakunahan ang kanilang mga anak.

.

Palalawakin na rin ng ahensiya ang diskusyon sa kahalagahan ng pagbabakuna sa panahon na ginagawa ang   Family Development Sessions sa mga   parent-beneficiaries.

Facebook Comments