Pagbakuna sa mga nasa listahan ng A4 priority group, sisimulan na bukas sa Navotas City

52

Inihayag ng Navotas City Government na sisimulan na nila bukas ang pagbabakuna sa mga economic frontliner na nasa kategorya ng A4 priority list, mga residente at nagtatrabaho sa Navotas City.

Pinaalalahanan na ni Navotas City Mayor Toby Tiangco ang mga nasa A4 priority list na magparehistro na sa https//covax.navotas.gov.ph para maisama sa libreng bakuna laban sa COVID-19.


Samantala, nakapagtala pa ang lokal na pamahalaan ng Navotas ng panibagong 7 kumpirmadong positibo sa COVID-19 at 10 naman ang nadagdag sa mga gumaling.

Facebook Comments