Pagbaligtad ng testimonya ni retired SPO3 Arthur Lascanas, pwedeng kasuhan ayon sa Malakanyang

MANILA, PHILIPPINES – Naniniwala ang Malakanyang na maaring sampahan ng kasong perjury si retired SPO3 Arthur Lascañas dahil sa pagbaliktad nito sa nauna niyang testimonya sa senado kung saan sinabi niyang walang Davao Death Squad (DDS).

Ayon kay Presidential Chief Legal Counsel Salvador Panelo – maaaring idemanda si Lascañas at ang Dept. of Justice ang pwedeng gumawa nito.

Bukas naman si Public Order Committee Chairman Panfilo Lacson na imbestigahan ulit ang dds.

Sabi naman ni Senate President Koko Pimentel, dapat pa ring suriin ang mga pahayag ni Lascañas bago ito paniwalaan.

Matatandaang base sa mga isinagawang pagdinig ng senado walang nakitang ebidensya na magpapatunay na mayroon ngang Davao Death Squad.


Facebook Comments