Pagbalik ng employment rate sa pre-pandemic level, sa 2024 pa maitatala ayon sa NEDA

Inihayag ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan na bababa ang unemployment rate sa bansa sa pre-pandemic levels pagsapit ng 2024.

Ito ang inihayag ni Balisacan sa pagdinig ng 2023 national expenditure program (NEP) na nagkakahalaga ng 5.268 trilyong piso sa Senate finance committee.

Sa datos na ipinresenta ni Senate Majority Leader Joel Villanueva, lumalabas na nasa 5.3% ang actual unemployment rate noong 2018 at bumaba sa 5.1% noong 2019.


Habang sumipa ito noong 2020 sa 10.3% at bumaba sa 7.8% noong 2021.

Batay naman sa datos ng Development Budget Coordination Committee (DBCC), inaasahang nilang maglalaro sa 5.1 hanggang 6.5% ang unemployment rate ngayong taon; 5.7 hanggang 6.8% sa 2023; 5.0 hanggang 5.3% sa 2024 at 5.5 hanggang 5.8% sa 2025.

Mababatid na nasa 5.2% ang unemployment rate ng bansa nitong July 2022 batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Facebook Comments