Mahigit 100 katao, nasagip sa operasyon ng NBI at BI sa isang POGO company sa Cainta, Rizal

312

Tinatayang nasa higit 100 indibidwal ang nasagip sa operasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) at Bureau of Immigration (BI) sa isang Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) company sa Cainta, Rizal.

Sinalakay ng mga otoridad ang naturang kumpanya matapos makatanggap ng sumbong mula sa Chinese Embassy na sinasaktan umano ang ilan sa kanilang kababayan.

Nasa 70 Chinese, 16 Vietnamese, 2 Taiwanese, 1 Malaysian at 44 Pinoy ang nasagip sa naturang operasyon.


Patunay ang torture marks sa katawan ng ilang indibidwal sa pagpapahirap na dinanas nila sa sindikato.

Dinala na ang mga ito sa tanggapan ng NBI upang malaman kung sino ang may dokumento o wala.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil dito.



Facebook Comments