Pagbalik sa mga Kinuhang Gamit ni NDFP Peace Consultant Malayao, Hiniling!

Hiniling ni PNP Regional Director Chief Supt. Jose Mario Espino ang pagkakabalik ng mga gamit ni National Democratic Front of The Philippines (NDFP) peace consultant Randy Malayao upang magamit sa masusing imbestigasyon.

Ito ay matapos umanong kunin ang mga Cellphones, laptop at iba pang gamit nito na maaaring gamiting sa imbestigasyon mula sa kustodiya ng PNP Aritao na naging dahilan ng pagkakasibak sa pwesto ng dating hepeng si PCI Geovanni Cejes at ng dating Provincial Director ng Nueva Vizcaya PPO na si Jeremias Agglugub.

Sa isinagawang press conference sa Nueva Vizcaya Police Provincial Office, ay sinabing isa umanong Rina Balgos na dating opisyal ng Nueva ang nagpresinta para sa pamilya ng napatay upang kunin ang mga kagamitan ni Malayao.


Kaugnay nito, batay pa sa ibinahaging press release ay dumating din umano ang kapatid ni Malayao na si Perla Malayao Upano kung saan noong una ay sang-ayon na dapat na ibigay sa kustodiya ng kapulisan ang mga gamit ng kanyang kapatid para sa imbestigasyon ngunit matapos pa umanong komprontahin ni Balgos ay nagbago ang kanyang isip at kinuha ng mga ito ang mga gamit ng kanyang kapatid.

Samantala, humiling naman si PRO2 Regional Director Espino kay Deptartment of Interior and Local Goverment (DILG) Sec. Eduardo Año upang maibalik ang mga naturang gamit ni Malayao mula sa pamilya nito na isa sa malaki ang maitutulong sa pagkakaresolba ng kaso.

Facebook Comments