Nilinaw ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na hindi option na ibalik sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang mga lugar na General Community Quarantine (GCQ) sa darating na Hunyo.
Ayon kay Duque, hindi pwedeng ibalik sa MGCQ ang National Capital Region (NCR) dahil sa patuloy community transmission ng COVID-19.
Aniya, ang daily attack rate sa National Capital Region (NCR) ay nananatili sa pito hanggang walo na mataas sa ideal na isa hanggang pitong kaso sa kada 100,000 population.
Sa kasalukuyan ay umabot na sa 1,209,154 ang COVID-19 cases sa bansa kung saan 53,770 ang aktibong kaso.
Facebook Comments