Manila, Philippines – Ikinatuwa ng Palasyo ng Malacañang ang naging hakbang ng Kamara na ibigay sa Commission on Human rights, Energy Regulatory Board at National Commission on Indigenous People ang kanilang tamang pondo na base narin sa Proposed budget para sa susunod na taon.
Matatandaan kasi na base sa 3rd at final reading ng proposed 2018 national budget sa Kamara ay isinama na nito ang mga orihinal na pondo ng CHR, ERC at NCIP.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, isa itong magandang development dahil naayos ang anomang issue na namagitan sa Kamara at sa mga nasabing ahensiya.
Sinabi ni Andanar, noon pa man ay naka suporta ang ehekutibo sa budget Human Rights Commission dahil kabilang ito sa isinumite na budget ng Department of Budget ang Management.
Sinabi naman ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, bahagi ito ng checks and balances ng gobyerno kung saan ang ehekutibo ang nagpapanukala at kongreso naman at magaapruba sa budget ng pamahalaan.
Pagbalik sa orihinal na budget ng CHR, ERC at NCIP, ikinatuwa ng Malacañang
Facebook Comments