Pagbanat at pagmumura ni Pangulong Duterte sa dalawang media companies, dinepensahan ng Malakanyang

Manila, Philippines – Dumepensa ang Malakanyang sa naging banat at pagmumura ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine Daily Inquirer at ABS-CBN na inakusahan nitong hindi nagbabalita ng patas laban sa kanya.

 

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella – iginiit nitong hindi ang kalayaan ng pamamahayag sa bansa ang target ng Pangulo kung hindi ang pagiging hindi patas ng mga ito.

 

Sa statement naman ng Philippine Daily Inquirer, sinabi nitong pinanananatili ng kumpanya ang pagiging patas at balanse sa pagbabalita sa lahat ng pagkakataon.

 

Samantala, wala pang pahayag ang ABS-CBN hinggil dito.


Facebook Comments