Weather Report

76

Manila, Philippines – Maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan at pulu-pulong pakidlat-pagkulog ang mararanasan sa mga rehiyon ng Caraga, Davao at Silangang Kabisayaan.

 

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulu-pulong pag-ulan o pakidlat-pagkulog ang iiral naman sa Kamaynilaan at sa nalalabing bahagi ng bansa.

 

Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa timog-silangan hanggang sa hilagang-silangan ang iiral sa hilagang Luzon at ang mga baybaying dagat sa mga lugar na ito ay magiging katamtaman hanggang sa maalon.

 

Sunrise: 5:53 am

Sunset: 6:08 pm

Facebook Comments