Pagbangga ng Traysikel sa Isang Kuliglig sa Benito Soliven Isabela, 6 katao Sugatan!

29

*Benito Soliven, Isabela- *Sugatan ang anim na indibidwal matapos bumangga ang sinasakyang traysikel sa isang kuliglig pasado alas onse kagabi sa brgy District 2, Benito Soliven, Isabela.

Kinilala ang driver ng traysikel na si Raymart Sanchez, 20 anyos, binata, studyante kasama pa ang mga sugatang pasahero na sina Ronalyn Sanchez, 20 anyos, Jomel Manuel, 18 anyos, Marvin Rillera, 15 anyos, Jerome Raymundo, 18 anyos, Salvador Calde, 19 anyos na pawang mga residente ng brgy District 1, Benito Soliven, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, habang binabaybay ng mga biktima ang pambansang lansangan ng brgy District 2 ay aksidenteng nabangga ng tsuper ng traysikel ang nakaparadang kuliglig.

Nagtamo ng sugat sa katawan ang mga biktima na agad namang dinala sa pagamutan para sa kanilang karampatang lunas.

Dinala naman sa himpilan ng PNP ang traysikel at inaalam pa ang kabuuan ng halaga ng pinsala.

Facebook Comments